Aminado ang Palasyo na hindi na kasing init ng dati ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay sa gitna na rin ng pagsisimula ng bansa sa proseso sa termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Secretary Panelo, hindi kasi basta na lamang mauupo at manunuod si Pangulong Rodrigo Duterte na panghimasukan at i-bully ng US ang bansa.
Sinabi ng kalihim na maraming factors ang ikinunsedera ng Pangulo bago magdesisyon na i-terminate ang VFA.
Isa na dito ang kanselasyon ng US visa ni Senator Ronald Dela Rosa.
Kabilang rin na aniya dito ang iba panghihimasok ng mga US Senators sa soberanya ng bansa sa pamamagitan ng pagsusulong na makalaya si Senator Leila de Lima sa kabila ng criminal chargers na nakasampa dito.
At maging ang entry ban ng mga ito laban sa mga Philippine officials na mapapatunayang mayroong kinalaman sa pagkakakulong ng senadora.