Relasyon ng Pilipinas at China, nanatiling matatag kasabay ng isang taon pagpapalabas ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa isyu ng West Philippine Sea

Manila, Philippines – Magpapatuloy ang mabuting relasyon ng Pilipinas at China.

Ito’y kasabay ng isang taon na pagpapalabas ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – sa isinasagawang pag-uusap ng dalawang bansa, nagkasundo silang pairalin ang mga hakbang na hindi na magreresulta sa paglala ng tensyon sa nasabing usapin.


Nakatakdang gawin ang ikalawang pagpupulong ng dalawang bansa sa ikalawang bahagi ng taon.
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*

Facebook Comments