Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na lalong titibay ang pagkakaibigan at ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sinabi ito ni Romualdez, matapos ang pulong nina President Ferdinand Marcos Jr., at US President Joe Biden.
Diin ni Romualdez, ang Amerika ay pangunahing kaalyado ng ating bansa lalo na sa larangan ng economic, defense, cultural at investment cooperation.
Tinukoy rin ni Romualdez ang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang Amerika ay kabilang sa major sources ng foreign direct investments ng ating bansa bukod sa Singapore, Japan at The Netherlands.
Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Romualdez ang paghikayat ni Pangulong Marcos sa mga negosyante sa Amerika na mamuhunan sa ating bansa para makalikha ng maraming trabaho at mabuti ang buhay ng mamamayang Pilipino.
Kaisa rin si Romuladez sa pagmamalaki ni PBBM na ang Pilipinas ngayon ay mayroon nang “improved investment climate”.
Sabi ni Romualdez, pwedeng mag-invest ang American companies sa manufacturing, railways, power generation at private-public partnership projects.