Manila, Philippines – Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na maayos ang relasyon ng Pilipinas at European Union lalo na sa usapin ng trade sa kabila ng mga banat ni Pangulog Rodrigo Duterte sa kanila.
Ayon kay Lopez, sa briefing sa Malacañang kanina, maganda naman ang naging pagtanggap ng EU sa high-level Delegation na nagpunta noong Setyembre.
Kasama aniya niya si Special Envoy to the European Union Edgardo Angara na nakipagpulong sa mga negosyante at mga EU parliamentarians upang ipaabot sa mga ito ang mga nangyayari sa Pilipinas lalo na sa war on illegal drugs ng administrasyon na kanilan namang ikinababahala.
Sinabi aniya nila sa EU na hindi dapat paniwalaan ang mga naririnig at nababasa na mga balita mula sa international media.
Wala din naman aniyang katotohanan na pinagalitan sila o pinagsabihan sila ng EU dahil sa mga nangyayari sa Pilipinas bagkus ay nag-alok pa ng tulong ang mga ito sa paglaban ng gobyerno sa iligal na droga.