Walang magiging negatibong epekto sa ugnayan ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE) ang pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Anne Daynolo.
Ito ang pagtitiyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos maiuwi sa bansa mula Abu Dhabi ang mga labi ng biktima.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakipagtulungan ang UAE sa paghahanap sa labi ng biktima at nagpapadala ng tulong sa pamilya nito.
Tingin ni Bello, maganda ang pagtrato ng UAE sa kaso ng Pinay OFW.
Hindi naman naiwasan ni Bello na magalit sa self-confessed killer ni Daynolo.
Si Daynolo ay isang hotel receptionist sa Abu Dhabi na unang naiulat na nawawala noong Marso 2020 at natagpuan lamang noong nakaraang buwan.
Inamin ng Ugandan national na nangangalang “Paul” na pinatay niya ang Filipina at inilibing ang kanyang labi malapit sa hotel na pinagtatrabahuan ng biktima.
Nakakulong na ang suspek.