Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatiling maayos ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ay sa kabila ng usapin ng travel ban ng US sa mga opisyal ng pamahalaan na sinasabing sangkot sa pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. – normal na magkomento sa mga alituntunin na ipinapatupad ng ibang bansa.
Paglilinaw din ni Locsin – maganda ang ugnayan nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.
Idinagdag pa ng kalihim – nakasaad sa resolusyon na pag-aaral ng executive branch ang nasa likod ng anila’y illegal detention kay De Lima.
Pero iginiit ni Locsin na dapat paniwalaan ang Korte Suprema kumpara sa mga pulitiko ng US Congress
Matatandaang inaprubahan ni US President Donald Trump ang kanilang national budget para sa susunod na taon at kasama rito ang probisyong nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na pumasok sa Amerika.