
Iprinisenta ng mga bagong ambassador ng Ukraine, Colombia, at Cambodia ang kanilang mga credential kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa seremonya sa Malacañang, iginiit ng Pangulo kay Ukraine Ambassador Yuliia Fediv, ang suporta ng Pilipinas sa mga pagsisikap na makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.
Nagpahayag naman ng kahandaan si Fediv na tumulong sa pagsusulong ng bilateral relations para sa kapayapaan, kaunlaran at paggalang sa mga hangganan.
Sa hiwalay na seremonya, nangako naman si Sin Saream, bagong ambassador ng Cambodia sa Pilipinas na lalo pang palalakasin ang ugnayan ng dalawang bansa para sa pakinabang ng mga Pilipino at Cambodians.
Samantala, naniniwala si Pangulong Marcos na marami pang sektor ang pwedeng i-explore ng Pilipinas at Colombia para mas mapalalim ang relasyon ng dalawang bansa.
Sa pagharap sa Pangulo, sinabi ni Colombian Ambassador Edgar Rodrigo Rojas Garavito na hangad ng Colombia ang walang-hanggang kapayapaan at pag-unlad ng Pilipinas.