Relasyon ng PNP at AFP, hindi maapektuhan matapos mabaril at mapatay ng isang pulis ang retiradong sundalo sa QC

Ayaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkaroon ng lamat ang relasyon nila ngĀ  Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos na mabaril at mapatay ng isang Pulis ang isang retiradong Army na si Corporal Winston Ragos sa Quarantine Control Point sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo sang ayon sila na judgement call ang ginawa ng pulis na si Master Sergeant Daniel Florendo kaya napatay ang retiradong sundalo.


Pero kung tama ba ang kaniyang naging aksyon sa sitwasyon ay pananagutan nya lang at hindi mag rereflect sa PNP bilang organisasyon.

Mahalaga sa ngayon ayon kay Arevalo na magkaisa ang PNP at AFP sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman panawagan ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. sa publiko huwag nang palalain pa ang isyu.

Sa ngayon, aniya may ginagawa na ring hiwalay na imbestigasyon ang AFP para matukoy ang totoong nangyari at masampahan ng kaso ang pulis kung mapapatunayang may paglabag ito sa batas.

Facebook Comments