Relasyon ni Pangulong Duterte sa media, maayos naman ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Communications Secretary Martin Andanar na maganda ang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media sa bansa.
Ito naman ay sa kabila ng galit ng mga supporters ni Pangulong Duterte sa mainstream media kung saan binabansagan pa ito na pinagmumulan ng fake news at ang madalas ding pagbatikos ng Pangulo sa ilang media organization.
Ayon kay Andanar, patunay lamang na maganda ang relasyon ng Pangulo sa media ay ang agarang pagpirma nito sa freedom of information executive order na ipinaglaban ng media at ng PCOO.
Isa din aniya ang Administrative Order number 1 sa mga patunay na talagang iginagalang at pinangangalagaan ng Pangulo ang media dahil ang kautusan ay para tiyakin ang seguridad at napoprotektahan ang karapatan lalo na ang buhay ng mga mamamahayag.
Naniniwala naman si Andanar na personal na dahilan ang mga banat ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN at Inquirer pero bilang isang organisasyon at hindi sa pangkalahatang media.

Facebook Comments