Relasyon sa mga bansang may OFWs, palalakasin ng Marcos administration

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kabayanihan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong Migrant Workers’ Day.

Sa isang video message, sinabi ng pangulo na dahil sa sakripisyo ng mga OFW na tinawag niyang ‘modern day heroes’ ay nagawa nilang mapaginhawa ang buhay at matupad ang pangarap ng mga mahal sa buhay.

Ayon sa pangulo, malaki ang naiambag ng mga OFW hindi lang sa Pilipinas maging sa mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga ito.


Alam umano ng pamahalaan ang mga hamong kinahaharap ng mga Pilipino sa ibang bansa mula pagiging malayo sa mga mahal sa buhay at pag-aadjust sa mga kultura.

Kaya naman patuloy aniyang palalakasin ng administrasyon ang relasyon sa mga bansang may OFWs upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga ito.

Facebook Comments