Nais pang palakasin ng Japan ang relasyon sa Pilipinas para mapanatili at mapaigting ang bukas at malayang international order alinsunod sa rule of law.
Sa courtesy call sa Malacañang, sinabi ni Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko na maganda ang mga konkretong progreso sa kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.
Kabilang na rito ang sinelyuhang Reciprocal Access Agreement na magbibigay-daan sa pagpapalitan ng mga sundalong Pilipino at Japanese para sa joint military drills.
Sabi ni Kamikawa, malayo na ang narating ng kooperasyon ng dalawang bansa at patunay rito ang paglagda sa RAA.
Committed din aniya ang Japan na palakasin ang partnership sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni PBBM.
Welcome development naman para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa RAA.
Ayon sa Pangulo, lalong tumaas ang kumpiyansa ng pamahalaan sa ibinigay na importansya ng Japanese government sa nasabing kasunduan.