Relasyong Bea Alonzo at Dominic Roque, kumpirmado na!

Matapos ang ilang buwang espekulasyon, kinumpirma na ng aktres na si Bea Alonzo ang relasyon nila ng aktor na si Dominic Roque.

Paglilinaw ni Bea, hindi niya gustong ilihim sa publiko ang kanilang relasyon pero nag-iingat lang siya dahil na rin sa naging karanasan sa nakalipas na relasyon.

Say ni Bea, gusto muna niyang masiguro kung saan sila pupunta ni Dominic bago gawing opisyal ang lahat.


Dati nang naging usap-usapan ang posibleng magandang pagtitingin nina Bea at Dominic pero lalo itong lumakas nang makita silang magkasabay sa airport nang magbakasyon sa Amerika ang aktres.

Facebook Comments