Relaunching ng ‘barangay labor desk, isinulong ngayong araw sa lungsod ng Pasay

Isinusulong ngayong araw ang Relaunching ng ‘barangay labor desk sa lungsod ng Pasay upang pagbutihin pa ang sustainable livelihood at malaman ang kakatagab ng mga residente sa lungsod.

Ayon sa Lokal na pamahalaan ng Pasay, layunin ng programa na magbigay ng kabuhayan sa mga Pasayeño sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access sa trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan, pagpapaabot ng tulong sa mga mahihinang sambahayan ng ekonomiya.

Samantala magbibigay ng tig-P3,000 sa 6,231 Barangay officials at nagkakahalaga ng P18,693,000 sa ilalim ng Financial Assistance Program na pangungunahan naman ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.


Facebook Comments