RELAX LANG? | Pacquiao – 40% pa lang ang kahandaan sa laban kontra Matthysse

Manila, Philippines – 40% pa lang na handa si 8-division World Champ Manny Pacquiao para sa nakatakda niyang laban kontra Lucas Matthysse.

Gayunman, ayon kay head Coach buboy Fernandez – masaya siya sa development ni Pacman sa kanilang training, dalawang buwan bago ang laban.

Ikinatuwa rin niya ang pagkakaisa ng team Pacquiao para paghandaan ang July fight.


Sa ngayon, kinakailangan pang mapanatili ni Pacquiao ang kanyang stamina at marami pa raw silang kailangang gawin para maibalik ang bilis at lakas ng suntok nito.

Sabi naman ni Pacquiao – relax lang muna din siya para hindi ma-overtrain.

Facebook Comments