Release order mula sa Sandiganbayan para sa paglaya ni dating Sen. Jinggoy Estrada, inaabangan

Manila, Philippines – Nanatiling nakaantabay ang Media sa maaring pagpapalabas ng 5th division ng Sandiganbayan ng resolusyon sa petition for bail ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa sandaling ipalabas na ang desisyon, bibigyan ng kopya ang kampo ni Jinggoy.

Inaantabayanan kung personal na darating o magpapadala ng kinatawan si Jinggoy para sa pagbabayad ng piyansa.


Pagkatapos nito, bibigyan ng release order si Estrada.

Pero, maari pa rin siyang ma convict sa kasong plunder dahil piyansa pa lamang ang didisisyonan.

Naugat ang pagkakakulong ni Estrada ng Mahigit tatlong taon dahil sa P183-million na kickbacks na nakuha niya mula sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dumaan sa bogus foundations na ni Janet Lim-Napoles.

Ang petition for bail ay nauna nang ibinasura with finality ng Fifth Division

Pero, September 2016, nag file ang kampo ni Estrada ng Omnibus Motion, na humihiling muli na siya ay payagan makapagpiyansa.

Kabilang sa ginamit na argumento ni Estrada ay ang mga sumusunod:

Kabiguan ng prosecution na maipakita na klaro ang elemento ng plunder laban sa kaniya.

Hindi malinaw na natukoy ang kaniyang pangalan sa charge sheet bilang pina ka pangunahing nakinabang sa kinulimbat na PDAF

Sa argumento ni Estrada , sinabi nito na kung hahati-hatiin ang P183-million kickback sa pagitan niya at ng tatlo pa niyang co-accused, ang share ng bawat isa ay nasa P45.9-million, mababa na sa P50 million threshold na pasok sa plunder.

At iginiit ni Estrada na wala naman siyang balak tumakas.

Facebook Comments