
Itinuturing na pambihirang biyaya ng Archdiocese of Lingayen–Dagupan ang pagdating ng Pericardium Relic ng Venerable Saint Carlo Acutis, ang kinikilalang Millennial Saint at Patron ng Internet.
Ang makasaysayang pagdalaw na ito, bilang kauna-unahang pagbisita ng relic sa Pilipinas ay ganapin sa December 09, 2025, ganap na alas-dos ng hapon, sa Dagupan Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist, ay nagpapakita ng napakalalim na pagkilos ng Diyos sa buhay ng mga mananampalataya sa ating panahon.
Hindi lamang ito isang ordinaryong pagtitipon, kundi isang dakilang pagkakataon upang mas lalo nating mapagnilayan ang kahalagahan ng kabanalan sa gitna ng makabagong mundo, kung saan ang teknolohiya ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay.
Si Saint Carlo Acutis, na pumanaw sa murang edad na 15, ay nagsilbing huwaran ng kabataan sa buong mundo dahil sa kanyang pambihirang debosyon sa Eukaristiya at sa kanyang matatag na pananampalataya.
Ginamit niya ang internet—isang platapormang madalas magdulot ng distraksiyon—bilang instrumento upang ipalaganap ang kagandahan ng Simbahan at ang dakilang misteryo ng ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng pagdating ng kanyang relikya.
Magiging pagkakataong personal na maranasan ang presensya ng isang kabataang nag-alay ng kanyang buhay sa Diyos sa simpleng ngunit makabuluhang paraan.
Inaanyayahan ang buong sambayanan, lalo na ang mga kabataan, upang makiisa sa taimtim na panalangin sa pagdating ng relikyang ito.
Ang pagdalaw na ito ay hindi lamang pagtanggap ng isang relikya; ito ay isang paanyaya tungo sa panibagong pag-asa, mas malalim na pag-unawa, at mas masikhay na paglalakbay sa espirituwal.
|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







