RELIC NI ST. CARLO ACUTIS, BUMISITA SA DAGUPAN CITY

Dumating na sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang mga relikya ni Saint Carlo Acutis, ang itinuturing na Patron ng Internet at kabataang aspirante, kahapon, December 9, 2025.

Bahagi ito ng serye ng aktibidad ng arkidiyosesis para sa mga mananampalataya ngayong taon.

Dinagsa naman ng mga deboto ang pagdalaw upang mag-alay ng dasal at makilahok sa mga paghahandang inilaan ng simbahan.

Ayon sa arkidiyosesis, layunin ng pagbisita ng mga relikya na palalimin pa ang debosyon ng publiko at hikayatin ang kabataan na makibahagi sa mga gawaing pangsimbahan.

Maglalabas pa ng karagdagang detalye ang Archdiocese of Lingayen-Dagupan hinggil sa iskedyul at mga susunod na aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments