Relief assistance para sa mga maapektuhan ng Bagyong Paeng sa Bicol Region, inihahanda na ng DSWD

Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paghagupit ng Bagyong Paeng.

Siniguro ng ahensya na mayroong sapat na suplay ng mga food at non-food items na ipapamahagi sa Bicol Region.

Batay sa ulat ng DSWD, kabuuang 37,983 na family food packs ang nakaimbak ngayon sa kanilang warehouse habang nasa ₱5 million ang standby funds.


Sa pagtaya ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan na ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan bukas ng umaga hanggang gabi sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa ganitong kondisyon, inaasahan na ang mga pagbaha at landslide lalo na sa mga mabababang lugar.

Samantala, makakaranas din ng mga pag-ulan ang iba pang lugar sa bansa.

Nakataas na rin sa tropical cyclone wind Signal Number 1 sa Catanduanes at maraming lugar sa Bicol Region, Eastern Samar, Northern Samar at Samar.

Facebook Comments