Manila, Philippines – Kartong-karton ng mga relief goods para sa mga evacuees ng biktima ng nag-aalburutong Mayon Volcano ang dadalhin ng mga tauhan ng PCG,DSWD at LTFRB sa Albay sa bahagi ng Bicol Region.
Ayon kay PCG Spokesman Capt Arman Balilo ang tatlong truck ang kanilang ipinadala sa DSWD ng Pasay kabilang pa ang ilang mga personnel na tumulong sa pare-repack ng mga relief kung saan sa isang box naglalaman ng 6 na kilong bigas mga dilata at iba pa na pakikinabangan ng mga evacuees sa Albay.
Una nang nagtungo ang DOTr sa lugar upang magsagawa ng relief caravan para sa residenteng dinala sa mga evacuation center na hangang sa ngayon ay nagtutulong tulong ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na maihanda pa ang ibang mga relief goods para dalhin sa Albay Bicol Region.