Relief Distribution sa Maguindanao, nagpapatuloy!

41

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong mula sa Provincial Government ng Maguindanao para sa 36 na bayan ng lalawigan kasabay pa rin ng krisis na hatid ng Corona Virus.

Kahapon nasa 24 na libong foodpacks ang itinurn over ng Provincial Government sa LGU ng Datu Odin Sinsuat .


Mismong si Vice Governor Datu Lester Sinsuat ang nagturnover nito kay Mayor Cherry Lou Sinsuat.
Kasama ni VG Sinsuat sina Board Member Datu Bimbo Sinsuat, Shariffudin Mastura, Cho Biruar, Laila Dagalangit at Sharff Diocolano.

Sa nakalipas na ilang araw , halos lahat ng LGU sa unang distrito ay personal mismong tinungo ng grupo ni VG Sinsuat at inabutan ng ayuda.
Kabilang na rito ang mga bayan ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Buldon, Barira, Matanog, Mother Kabuntalan, Northern Kabuntalan, Datu Blah Sinsuat at DOS

Sinasabing naging direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na si Vice Gov Sinsuat ang tututok sa First District habang ang gobernadora naman sa 2nd District, para agarang maibigay ang mga pangangailangan ng mga residente.
Naka Schedule naman ang mga bayan ng Upi at Parang sa susunod na linggo.

Samantala sinasabing dahil na rin sa naging inisyatiba ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan at sa tulong ng Executive Department nakapag allocate ng 120 Million Pesos para sa Relief Assistance sa buong Maguindanao.

PGO Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>




Facebook Comments