Relief Good Free Transportation Act, lusot sa final reading ng Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang magbibigay ng libreng freight services sa relief organizations para sa paghahatid ng tulong at donasyon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

171 mambabatas ang sumuporta sa House Bill 9087 o “Relief Goods Free Transportation Act,” na maghahatid ng maaasahan, mabilis at libreng transportasyon ng relief goods sa oras ng sakuna o kalamidad.

Ayon sa may-akda ng panukala na si San Jose Delmonte City Representative Florida Robes – layunin ng panukala na agarang maihatid ang tulong o ayuda sa mga indibidwal o komunidad na lubusang naapektuhan ng kalamidad.


Ang Office of the Civil Defense (OCD), sa tulong ng Philippine Postal Corporation (PPC) at lahat ng freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders at mga kumpanyang nagbibigay ng logistic services sa Pilipinas, ay magbibigay ng libreng freight services sa mga duly registered relief organizations.

Facebook Comments