RELIEF GOODS NA PANG-DALAWANG ARAW TULOY-TULOY NA IPINAMAMAHAGI NG DSWD FIELD OFFICE 1

Sa huling ulat ng Department of Social Welfare and Development Field Office One kahapon, August 1, 2023 as of 6:00 pm nasa tinatayang 103,797 kabuuang food at non-food items na ang naipamahagi ng ahensiya sa apat na probinsya ng rehiyon uno.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kahapon kay DSWD Field Office 1 OIC Assistant Regional Director Melecio Ubilas Jr, katuwang umano nila ang iba’t ibang local government unit mula Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte sa pamamahagi ng mga relief goods na naglalaman ng food at non-food items na maaaring mag-tagal ng dalawang araw. Dagdag pa ni Ubilas na malinaw ang direktiba ng Pangulong Marcos Jr na dumalaw kamakailan sa rehiyon na tulungan ang bawat apektado hanggang sa makabangon silang muli. Handa rin umano ang ahensiya sakaling mangailangan pa ng karagdagang tulong ang mga probinsiya para sa kanilang mga nasasakupan.
Samantala, nasa kabuuang 226,285 na pamilya o katumbas ng 962,693 na indibidwal ang apektado sa rehiyon uno ng nagdaang Bagyong Egay ayon sa datos ng DSWD Field Office 1. |ifmnews

Facebook Comments