Relief goods ng DSWD na puro delata, dapat samahan din ng mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda

Iminungkahi ni Senator Nancy Binay sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na huwag puro delata lamang ang mga relief good na ipinamimigay nito tuwing may kalamidad at ngayong may pandemya.

Sa pagtalakay ng Senado sa 189.1 billion pesos na proposed 2022 budget ng DSWD ay iginiit ni Binay na samahan ng itlog, isda at iba pang produktong mula sa mga magsasaka at mangingisda ang mga ipinamamahaging relief packs.

Dagdag pa ni Binay, hindi lang dapat sa National Food Authority (NFA) bumibili ng bigas ang DSWD dahil pwede itong dumirekta sa mga magsasaka.


Nangako naman si DSWD Undersecretary Felicisimo Budiongan na susundin ang suhestyon ni Senator Binay.

Ipinaliwanag din ni Budiongan na ang laman ng relief packs na kanilang ipinamimigay ay batay sa rekomendasyon ng Food and Nutrition Research Institute at National Nutrition Council.

Facebook Comments