Nakahanda na ang RMN Foundation Inc., para ihatid ang nasa 400 relief goods sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Odette sa Surigao bukas.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Patrick Aurelio, Corporate Social Responsibility Assistant, RMN Foundation Inc., na kabilang sa kanilang ipapamahagi ang inuming tubig, mga de lata, bigas, kape, at noodles na sasapat ng apat na araw.
Maliban aniya sa Surigao ay mamamahagi rin ng relief goods ang RMN Foundation Inc., sa Cebu, Bacolod at Dinagat Island.
Kasabay nito, nagpasalamat ang RMN Foundation Inc., sa mga partner agency ng ating “Oplan Tabang Relief Operation” kabilang ang Pfizer Philippines Foundation gayundin ang RMN-DXBC Butuan, at RMN-DXCC Cagayan de Oro na katuwang nila sa paghahatid ng mga tulong.
Samantala, patuloy ang pagtanggap ng RMN Foundation, Inc. ng cash donations para sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo.
Sa mga nais magbigay ng tulong, mangyaring ipadala lamang sa:
UCPB Account Number: 201-340-005-360
BPI Account Number: 0071-1015-25
PayPal.Me: RMN FOUNDATION