Patuloy na nagsasagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region I ng relief operation para sa mga apektadong residente na hindi pa nabibigyan ng relief packs sa rehiyon.
Sa tala ng tanggapan, umabot na sa 570,338 Food and Non-Food Items (FNFIs) ang naipamahagi na sa mga naapektuhang lokal na pamahalaan sa Ilocos Region.
Sa ngayon, nakahanda ang ahensya sa pagpreposisyon ng mga FNFIs sa satellite warehouses sa rehiyon sakaling mangailangan ng ugmentasyon para sa mga maaapektuhang residente ng anumang kalamidad.
Samantala, matatandaan na isa ang Region 1 sa higit nakaranas ng hagupit at epekto ng mga nagdaang bagyo kung saan ayon sa Disaster Response Management Division (DRMD) – Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), umabot sa 675,896 pamilya o 2.3 milyong indibidwal ang apektado sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









