RELIEF OPERATIONS, HATID SA MGA DAGUPEÑONG APEKTADO NG BAGYONG EGAY

Hatid ang patuloy na isinasagawang relief operations ng local na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang ilan pang kawani mula sa ibang departamento at ahensya sa mga Dagupeñong higit naapektuhan dulot ng Bagyong Egay na ilang araw nang nararanasan sa Dagupan City.
Matatandaan na bago ang matinding epekto ng Bagyong Egay sa lalawigan ay nauna nang nakatanggap ng relief goods ang mga barangay ng Salapingao, Bonuan Gueset, Brgy. Mayombo at Barangay Calmay at sa ngayon ay nakatanggap na rin ang ilang residente sa Barangay ng Herrero-Perez, Mayombo, Tapuac, at Tambac.
Nakaantabay din ang City Disaster Risk Reduction Management Council kaugnay sa mga epekto ng bagyo.

Sa ngayon bagamat nakalabas na kaninang alas onse ng umaga sa Philippine Area of Responsibility si Bagyong Egay ay nararanasan pa rin sa Dagupan City ang patuloy na pagbuhos ng ulan at bunsod nito ang mataas na pagbaha na sinabayan pa ng high tide season. |ifmnews
Facebook Comments