RELIEF OPERATIONS, ISINAGAWA SA MGA BINAGYONG BARANGAY SA DAGUPAN

Isinagawa ang pamamahagi ng sako-sakong relief goods sa iba’t ibang barangay ng Dagupan City bilang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bagyo noong Sabado, Oktubre 18.

Libu-libong residente mula sa Barangay Caranglaan, Tambac, at Calmay ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga barangay council.

Nakiisa sa operasyon ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), PNP, BFP, at mga volunteers upang matiyak ang maayos at ligtas na distribusyon ng ayuda.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng aktibidad na agad matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya.

Kasabay nito, nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko hinggil sa mga basic safety tips bilang bahagi ng pagpapaigting ng kahandaan sa panahon ng kalamidad.
Patuloy rin ang koordinasyon ng mga barangay at tanggapan ng pamahalaan para sa mga susunod na relief operations sa lungsod.

Facebook Comments