Matapos ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsasagawa na ngayon ng relief operations ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Ito ay dahil sa nararanasang pagbaha dulot nang walang patid na pagulan epekto ng shear line.
Partikular na nagsasagawa ng relief operations ay ang DSWD Field offices sa Eastern Visayas region at Northern Mindanao region.
Sila ay namimigay ng family food packs sa mga residenteng apektado nang matinding pagbaha sa Eastern Samar, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.
Batay sa inisyal na ulat ng DSWD Region 8, mayroon nang 32,458 indibidwal ang apektado ng pagbaha sa anim na bayan sa Easter Samar.
Sa Region 10 naman mayroon nang mahigit 9,342 families o 45,687 individuals ang apektado ng pagbaha.