Relief Operations, isinasagawa sa Camarines Sur kasama si XL Sumbungan at Usapang May K anchor Manoy August Vergara ng DZXL 558 Radyo Trabaho

Nagsagawa ng relief operations ang buong team ng cabida cares at iba pang grupo sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.

Dito ay namigay sila ng kahon-kahon na food packs katuwang ang isa sa XL Sumbungan at Usapang may K anchor ng DZXL 558 Radyo Trabaho na si Manoy August Vergara.

Kabilang sa mga grupong nakasama ng Cabida Cares ay ang Rotary International District 3810, Citizens Crime Watch at ang Emcore dot net.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Manoy August na mula pa noong Lunes ay tuloy-tuloy ang kanilang pamamahagi sa iba’t ibang lugar sa Camarines Sur.

Una rito ay namahagi na rin sina Manoy ng lugaw sa mga biktima ng Bagyong Ulysses sa Marikina City kasama ng HELOW Team o healthy lugaw on wheels.

Taos puso namang nagpapasalamat si Manoy sa iba’t ibang grupong tumulong para maging matagumpay ang bayanihan.

Facebook Comments