Pinaigting pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang humanitarian assistance and disaster response operations sa Leyte.
Ito ay matapos na manalasa ang Bagyong Agaton.
Ayon kay Col. Jorry Baclor, AFP Public Affairs Office Chief, itutuloy ng mga sundalo sa Visayas Command ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton.
Sinabi ni Visayas Command Commander Lt. Gen. Robert Dauz, ideneploy na nila ang lahat ng kanilang mobility assets para tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa Leyte sa pamimigay ng relief goods at basic services sa mga apektadong pamilya.
Samantala nitong April 14, ideneploy na ng militar sa Tacloban ang kanilang mga tauhan mula sa 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force at 525th Engineer Combat Battalion of the Philippine Army para tumulong sa pag-recover ng mga bangkay na nabaon sa lupa dahil sa landslide.
Sa ngayon nagpapatuloy ang recovery at relief operations sa Leyte.
Samantala aabot naman 6,000 kahon ng family food packs ang naipamahagi sa mga residente ng Sara at Ajuy sa lalawigan ng Iloilo.