RELIEF PACKS IPINAMAHAGI SA MGA BARANGAY SA LA UNION NA NAKA HEIGHTENED COMMUNITY QUARANTINE

LA UNION – Nagpamahagi ng relief packs ang lokal na pamahalaan ng La Union sa mga barangay dito na isinailalim sa heightened community quarantine dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Aabot sa 1, 000 relief packs sa anim na barangay ang ibinigay ng provincial government bilang tulong sa mga apektado ng naturang quarantine status. Matatandaan na umabot sa labing pitong barangay sa probinsiya mula sa San Fernando City ang isinailalim bilang high risk areas dahil sa covid-19.

Tatagal naman ang General community quarantine sa lungsod hanggang sa ika-22 ng Hulyo upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19.


Samantala, nasa 1, 448 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng La union matapos makapagtala ng karagdagang 90 kaso.

Facebook Comments