CAUAYAN CITY – Bilang tugon sa posibleng epekto ng Bagyong Carina sa coastal towns ng Isabela at iba pang parte ng Cagayan, inihanda na ng Department of Social Welfare and Development Region 02 ang higit 50,000 food packs.
Ito ay ipapamahagi sa mga pamilya o indibidwal na apektado ng nasabing bagyo.
Sa datos na inilabas ng DSWD, kabuuang P178,280,057.74 ang halaga ng food and non-food items na nakatakdang ipamahagi ng kagawaran.
Kabilang sa mga non-food items na ipapamahagi ay sleeping kits, hygiene kits, family kits, kitchen kits, at iba pa.
Habang ang food items naman na naka preposition na rin ay 53,042.
Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawang pag momonitor ng PAGASA sa lagay ng panahon na kung saan inaasahang gabi ng Miyerkules tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang nasabing bagyo.