Ilulunsad ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang “ReliefAgad” mobile application na layong mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ang ‘ReliefAgad’ ay isang relief system na makakatulong sa DSWD at local government units (LGU) na mapadali ang pagkuha sa detalye ng social amelioration card.
Mayroon din itong interface para sa electronic payment system para sa mabilis na pamimigay ng cash assistance sa mga target na benepisyaryo.
Sa pamamagitan ng Rapid Pass Platform, ang ReliefAgad ay gagamit ng crowdsourcing at manual encoding o batch na ina-upload ng mga LGU.
Ang mga benepisyaryo ay maaaring magparehistro at ipadala ang kanilang detalye sa kanilang mga LGU at DSWD local field offices sa pamamagitan ng mobile app.
Si Developers Connect Philippines Founder Winston Damarillo at mga kinatawan ng DICT at United States Agency for International Development (USAID) ay sasamahan si DSWD Sec. Rolando Bautista sa paglulunsad ng mobile app.