ReliefAgad.ph, inilunsad para sa ikalawang bahagi ng SAP

Inilunsad ng pamahalaan ang isang website para sa digitalization ng mga application para sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) cash assistance.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakipag-partner sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa www.reliefagad.ph portal.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, binuo ang website para mapabilis ang pagkuha ng impormasyon ng mga benepisyaryo ng programa.


Mapapabilis din aniya nito ang paglalabas ng second tranche.

Ang mga mayroong gadgets at internet connection ay maaaring mag-log in sa website at ilagay ang kanilang social amelioration card number at iba pang personal information.

Sa ilalim ng form, tatanungin sila kung nais ba nilang matanggap ang cash subsidy manually sa pamamagitan ng mga bangko o remittance centers o sa pamamagitan ng digital platforms.

Ang mga wala namang gadgets o internet connection ay maaaring sumadya sa local social welfare office para mag-apply para sa financial aid.

Tinatayang nasa 17 milyong Pilipino ang inaasahang makakatanggap ng second tranche.

Facebook Comments