Bukas na sa publiko ang Religious garden sa Davao del Norte na inihahanda para sa Semana Santa.
Nabatid na Marso ng nakaraang taon nang unang buksan ang Jean’s Religious Garden sa Barangay Sonlon sa Asuncion, Davao del Norte kung saan ipinatayo ito ng isang OFW mula sa Japan bilang pasasalamat sa Diyos.
Ilan sa mga atraksyon sa lugar ay ang kanilang chapel at ang siyam na religious images ng mga Santo.
Mahigpit naming ipinatutupad ang health protocols sa lugar gaya ng pagsuot ng face mask, pagsunod sa physical distancing, hand washing at foot bath.
Bawal ding hawakan ang mga imahe dahil sa banta ng COVID-19.
Isang taon na ngayong Marso ang religious garden kung saan una itong binuksan noong panahon ng pandemya.
Bukas din ang hardin sa gabi at lumiliwanag dahil sa mga dekorasyong pailaw.