Manila, Philippines – Dapat na isama sa debate ng pagpababa ng edad ng criminal liability ang kinatawan ng Imam, Religious sector at mga LGUs.
Ito ang inihayag ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa isang forum sa QC.
Sinabi ni Tolentino na dapat ay umaalinsunod sa kultura ng pilipino at may pagsaalang alang sa relihiyon ang konsultasyon sa isyu.
Pero, Nilinaw nito na hindi dapat siyam na taong gulang ang tamang edad para patawan ng kaparusahan kundi dapat mas mababa sa 15 taong gulang.
Mas akma ang edad na ito para malaman ng bata kung ang aksyon niya ay tama o mali.
Tutol din ito sa pagsama sa mga nagkakasalang kabataan sa mga hardened criminals sa mga ordinaryong bilangguan.
Sa halip ay magkaroon sila ng hiwalay na kulungan o institution para sa tuluyan nilang rehabilitasyon.