Religious group at oposisyon dapat ding may oposisyon sa ICI na nag-iimbestiga sa maanomalyang proyekto —Sen. Cayetano

Iginiit ni Senator Allan Peter Cayetano na dapat maidagdag sa mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang ilang religious group at oposisyon para sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.

Sa ambush interview sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni Cayetano na kapag independent, hindi dapat manggaling sa itinalaga ng administrasyon.

Inihalimbawa nito na sa United States ay hindi galing sa administrasyon ang independent prosecutor para hindi mabahiran ng kulay ang imbistigasyon.

Dapat din aniya na mabilis ang pagkaso dahil hanggang ngayon ay wala namang nakukulong.

Iginiit din ng Senador na dati raw ay “nililigawan” pa ang mga sangkot sa mga maanomalyang proyekto para hindi ikanta ang tunay na mastermind sa flood control scandal ngunit ngayon ay tuluyan nang ”naligaw ang imbestigasyon.”

Facebook Comments