Religious group, nagsagawa ng interfaith rally sa Quezon City bilang paggunita sa mga biktima ng War on Drugs

Nagsagawa ng interfaith rally ang mga grupong relihiyoso sa bisperas ng ika-35 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Pinagunahan ni Fr. Robert Reyes, pinuno ng San Isidro Labrador Parish Church sa Quezon City ang aktibidad na nag-a-alaala sa umano’y biktima ng extrajudicial killings.

Dala nila ang malaking krus at mga tarpaulin na naglalaman ng larawan ng mga napatay sa giyera kontra ilegal na droga at nag-alay ng panalangin ang mga religious group.


Matapos magtirik ng kandila sa lugar kung saan napatay ang isang biktima, dumapa si Fr. Reyes kasama ang dalawa pang pari sa harap ng krus.

Isa aniya itong pagpapakita ito ng pagpapakumbaba.

Sinundan ito ng tinawag nilang krusada kasama ang pamilya ng mga biktima.

Sinumulan ito sa East Avenue at iba’t ibang kalye sa Brgy. Pinyahan na may pinaslang.

Ayon kay Reyes, mula 2020, nakapagtala ng 12 napatay sa Pinyahan na isa sa may mataas na record sa QC.

Ikinalungkot ni Fr. Reyes na wala pa ring hustisya para sa mga nasawi at patuloy pa rin ang mga patayan.

Facebook Comments