Mabenta na ngayon pa lang ang mga religious items sa bayan ng Manaoag kaugnay sa nalalapit na pagdaos ng Semana Santa sa darating na unang linggo sa buwan ng Abril.
Matatandaan na inaasahan ang pagdagsa ng mga turista at mga debotong Katoliko sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag kaugnay ang mga dadaluhang misa sa paggunita ng Kwaresma ngayong taon.
Isa lamang ang mga rebulto sa higit na tinatangkilik ng mga katoliko at ayon sa ilang tindera ng mga ito ay madami ang sadyang bumibili. Inaasahan din ng mga vendors ang pagdami ng mga mabibiling religious items sa pagsapit ng April 2 dahil hudyat na rin ito ng umpisa ng mga misa sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag na magsisimula naman sa oras na alas singko ng umaga.
Diretso naman na umano ang misa hanggang sa Palm Sunday.
Samantala, kaantabay ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang mga kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagtitiyak ng seguridad at kaayusan sa bahagi ng dadaluhang simbahan ng mga dadagsa rito. |ifmnews
Facebook Comments