RELIGIOUS VENDORS SA MANAOAG, PINULONG

Isinagawa ang isang pagpupulong kasama ang mga religious vendors sa paligid ng Basilica sa bayan ng Manaoag bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Grand Canonical Coronation ng Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga planong pagbabago at pagsasaayos sa mga itinalagang lugar ng pagtitinda upang matiyak ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran para sa mga dinarayo ng deboto.
Ipinabatid din ang mga alituntunin ukol sa tamang lugar ng pagtitinda at pinaalalahanan ang mga vendor na iwasan ang pagtitinda sa mga ipinagbabawal na lugar.
Layunin ng mga hakbang na ito na mas mapabuti ang daloy ng mga tao sa paligid ng Basilica at mapaganda ang karanasan ng mga bumibisita para sa pagdiriwang.
Kinilala rin ng lokal na pamahalaan ang mahalagang papel ng mga vendor bilang katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapaganda ng pilgrimage experience ng bawat deboto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments