Pinalilipat na ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) ang may 444 pamilya na na-displaced ng landslide sa Naga City, Cebu sa mga relocation sites ng National Housing Authority (NHA).
Kabilang sa maaari na nilang matitirhan sa Balili Property sa Naga City at sa Barangay Valencia sa Carcar City.
Itoy kasunod ng pahayag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi na maaaring balikan ang lugar ng landslide dahil ideneklara na itong danger zones.
Gayunman, patuloy pa rin silang binibigyan ng ayuda, katunayan base sa pinakahuling datus ng DSWD nasa ₱5.2 million ang halaga ng tulong ang naibigay sa kanila.
Bukod pa dito ang ibinigay ng city government na ₱150,000 financial assistance sa bawat pamilya na nakatira sa lugar.
Samanatala, makakaasa din na mabigyan ng tulong pinansiyal na tig ₱5,000 ang mga apektadong pamilya na naapektuhan din ng landslide sa Natolin, Mt. Province.
Karagdagan lang ito sa naunang alok na burial assistance sa mga landslide casualties.