Rematch ni Pacquiao at Horn, patuloy pa ring ginigiit ng mga fans kasunod ng kontrobesyal nilang laban sa Australia

Sports – Patuloy pa ring ginigiit ng mga boxing fans ang rematch nina 8 division Welterweight Champion Senator Manny Pacquiao at ang tinagurian ngayon na bagong WBO Welterweight Champion na si Jeff Horn matapos ang kanilang kontrobersyal na laban sa Brisbane Australia.
Ayon sa mga fans, dapat lamang na magkaroon ng pangalawang laban ang dalawang boksingero para malaman kung sino talaga ang dapat na nanalo nitong Hulyo 2.
Matatandaang sinabi nina Coach Freddie Roach at Assistant Coach Buboy Fernandez na hindi sila masaya sa kinalabasan ng resulta ng laban.
Kaugnay nito, pumayag na ang presidente ng World Boxing Organization (WBO) Paco Valcarcel sa kahilingan ng kampo ni Pacquiao na imbestigahan ang naging resulta ng kanilang laban ni Horn.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments