REMATCH? | Pacquiao-Mayweather 2, posibleng maisapinal ngayong linggo

Manila, Philippines – Ayon kay Senator Manny Pacquiao, maaring ngayong linggo ay maisapinal na ang pag-uusap ukol sa susunod niyang laban kay Floyd Mayweather Jr. o sa ibang boksingero.

Sabi ni Pacquiao, malaki ang posibilidad na matuloy ito dahil gustong bumalik ni Mayweather sa pakikipagbakbakan para kunin ang kanyang belt.

Kabilang sa ikinokonsidera ni Pacquiao sa magiging desisyon sa susunod niyang laban ang timing o petsa dahil hanggang Disyembre ay maraming trabaho sa Senado tulad ng paghimay sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.


Bukod kay Mayweather, ay nakahilera din sa mga boksingero na ikonokonsiderang makalaban ni Pacquiao sina Amir Khan, Terence Crawford, at Adrien Broner.

Sakaling matuloy ang laban ay nais ni Pacquiao na si Buboy Fernandez pa rin ang kanyang maging trainer.

Facebook Comments