Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration (FDA) ang anti-viral drug na Remdesivir bilang kauna-unahang gamot sa COVID-19.
Ayon sa US FDA, maaari itong gamitin sa matanda at batang nasa 12 gulang pataas at may 40 kilo ang timbang.
Nagpaalala naman sila na kailangang sa ospital lamang gagamitin ang Remdesivir o sa healthcare facilities na may kakayahang mag-alaga sa mga pasyente.
Tiniyak naman ni FDA Commissioner Stephen Hahn na suportado ng datos mula sa clinical trial na in-assess ng ahensya at sinisimbulo nito ang milestone sa paghahanap ng lunas sa nasabing sakit.
Facebook Comments