REMITTANCE NG BUWIS NA NAKOKOLEKTA NG BANTAY DAGAT SA INFANTA, NILINAW

Nilinaw ng opisina ng alkalde sa Infanta ang isyung may kinalaman sa nakokolektang buwis ng Bantay Dagat na napupunta umano sa opisyal.

Ang naturang usapin ay tinalakay sa regular session ng Sanggunian ngunit iginiit ng tanggapan ng alkalde na wala itong katotohanan.

Sa naganap na pagpupulong, nilinaw na ang koleksyon ng auxilliary fee ay direktang napupunta sa Municipal Treasurer’s Office sa pakikipag-ugnayan sa Agriculture Office na nagbibigay ng resibo at nagpapapirma ng Abstract of Collection.

Bukod sa koleksyon, tinalakay din ang kakulangan sa operasyon upang masolusyonan ang pangangailangan ng karagdagang personnel, transportasyon at maging sa kaukulang oryentasyon ng mga itatalaga.

Sa huli, tiniyak ng tanggapan ang pagpapabuti pa ng kabuuang operasyon sa maayos na pagpapatupad ng auxilliary fee collection na nakasaad sa umiiral na ordinansa noon pang 2005. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments