OFW remittance, tumaas

Tumaas ang remittance ng mga OFW nitong Mayo.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa $2.9 billion ang remittances ngayong May 2019.

Umangat ng 5.5% kumpara sa $2.7 billion noong May 2018.


Ang total personal remittances ay tumaas ng 4.1% sa $13.71 billion sa unang limang buwan ng taon.

Ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng bangko ay tumaas ng 5.7% o $2.61 billion.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na may pinakamataas na remittances sa bansa mula Enero hanggang Mayo 2019.

Maliban sa US, ang remittances ay nanggagaling din sa Saudi Arabia, Singapore, UAE, UK, Japan, Canada, Hong Kong, Qatar at Kuwait.

Facebook Comments