Remittances sa bansa nitong Oktubre, tumaas

Tumaas ang natanggap na remittances sa bansa nitong Oktubre.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Personal Remittances ay tumaas ng 7.7% o 2.97 Billion Dollars, kumpara sa 2.76 Billion Dollars sa kaparehas na buwan noong 2018.

Ang October Remittances ang pinakamataas sa unang 10 buwan ng taon.


Ang Cash Remittances o Money Tranfers ay tumaas ng 8% o 2.67 Billion Dollars.

Ang Estados Unidos pa rin ang nangungunang bansa na may mataas na share sa Total Remittances, kasunod ang Saudi Arabia, Singapore, Japan, UAE, UK, Canada, Germany, Hongkong, at Kuwait.

Facebook Comments