REMOVAL EXAM | Lalaking anak ni Bato Dela Rosa, posibleng maalis sa PNPA

Manila, Philippines – Tagilid sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang anak na lalaki ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na si Rock Dela Rosa.

Sa press conference sa Camp Crame kanina, inamin ng PNP Chief na posibleng hindi pa matuloy ang pagiging pulis ng kaniyang anak.

Kailangan pa kasi umanong kumuha ng removal exam ni Rock sa dalawa nitong subject.


Gayunman, naiintindihan daw niya ang pressure na pinagdadaanan ng kaniyang anak sa pagpu-pulis.

Bilang ama, pinayuhan ni Dela Rosa ang kaniyang anak na mag-aral nang mabuti para makapasa.
Disyembre ng nakaraang taon nang kinilala bilang isang full pledge cadet ang PNPA si Rock matapos na makapasa sa mahirap na physical at mental training.

Facebook Comments