Remulla at Catapang, nagpulong kaugnay sa mga anomalya sa Bilibid

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) si Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr., para makipagpulong kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay Remulla, kasama sa mga itatanong niya kay Catapang ang mga nadiskubreng anomalya sa naging pamamalakad sa BuCor, kabilang na ang isyu ng mga gusaling ipinatayo na umano’y bayad na pero hindi naman pala natatapos pa.

Nang matanong ang kalihim sa posibleng paghahain ng karagdagang kasong plunder laban sa suspendidong BuCor Chief na si Gerald Bantag, sinabi ni Remulla na alam na ni Catapang ang kanyang ginagawa.


Samantala, hindi naman kasama sa mga tinututukan ngayon ng DOJ ang reklamo ng dalawang person deprived of liberty o PDLs sa Bilibid na umano’y sinaksak ni Bantag.

Ani Remulla, ang mas nakakaalam nito ay si BuCor Chief Catapang at pinauubaya na niya ang mga dapat gawin sa mga makikitang anomalya sa BuCor.

Facebook Comments