Manila, Philippines – Kinalampag ng Power for People Coalition ang Department of Energy (DOE) dahil sa hindi pagpapatupad ng renewable energy law na pinagtibay pa noong 2008.
Ayon kay Ian Rivera ng Philippine Movement for Climate Justice, dahil dito aabutin pa ng hanggang 2040 pagiging pala-asa ng bansa sa paggamit ng enerhiya galing pa rin sa coal na nakakasira sa kalikasan at sanhi ng pagmahal ng kuryente.
Muling isinulong ng coalition ang paggamit ng renewable energy matapos lumabas sa pinaka-latest na survey ng Pulse Asia na na mayorya ng mga Pilipino ay dismayado sa presyo ng elektrisidad sa bansa.
Base sa survey, 84 percent ng mga residente ng Metro Manila ang nadidismaya sa mahal na elektrisidad na pinu-provide ng Manila Electric Company or MERALCO ang pinakamalaking distributor ng electric power.